Gab at 2 (Birthday Preparation)


Ang bilis talaga ng panahon, parang kelan lang nung inanganak ko si Luke Gabriel ko. Ngayon 2 years old na sya. Marunong na maglambing, mang- away at kung anu-ano pa! kaya naman kahit wala kami budget para sa birthday nya. Pinilit ko gawan ng paraan.

Nung first birthday nya kasi talaga naman pinaghandaan naming yun, from the food, to the clowns, giveaways atbp. Pero ngayon dahil wala masyado budget. Napag desisyonan naming nag awing simple lang ang celebration.

So nag start ako mag plan kung anu lang ang mga icoconsider ko na ihanda. I make sure that I have a list of everything that I need para talagang magkasya ang budget ko. Haha..

So here’s the list:

For the food, Inestimate ko ung dami ng bisita at kapitbahay napagbibigyan saka ako namili.

4 kilos of spaghetti    1,500 php
1 ½ pansit bihon with canton  700 php               
2 kilo Biko      300 php
Hotdog on stick with Mallows   250 php
400g na chicken macaroni salad.   300 php
Apple juice                      100 php
Nilagang pata for the ulam      500 php
2 big Bangus for the pulutan haha..    300 php
Tarpulin – Clash of Clans theme ang meron sya’ gawa ng ninang nya.     200 php.
Marble Chiffon Cake – goldilocks, plain lang ako na nagdecorate ng theme  800 php
Paper plates/cup, spoon/fork etc.           250 php
_______________________________________________
Total                                  5,200 php


For the sounds naman, hindi na ko ng rent ng videoke, kasi wala naman gano bisita darating. Humiram nalang kami ng sound system sa kapatid ng asawa ko. 2 big speakers na my amplier pa. 

Sad to say hindi kami nakapag kantahan kasi hindi compatible ung cd sa dvd naming. Haha.

Pero kahit hindi ganun ka bongga ang celebration, masaya ako at ng-enjoy ang anak ko! Bawi nalang kami next time haha.

For those mom na nahihirapan mag budget para sa birthday ng babies nila. Hindi naman kelangan lagging bongga. Ang mahalaga yung mabusog mo ung bisita mo at ng enjoy sila.  Hindi na nga ko naka bili ng balloons dyan eh.. haha.


Tip ko lang di bale na konti ang handa basta masarap!


Pwede nyo rin gayahin yung ginawa ko, kayo na lang magdesign ng cake nyo para mas makatipid kayo.




Clash of Clans Cake

Clash of Clans Tarpulin

My cute little boy!



Blowing his candle!


What about you? Do you have any tips on how to have a cheap birthday celebration?

Share it with us at the comment box below. Thanks for dropping by.

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...