Tired


Nakakapagod umintindi sa taong away sabihin kung ano ang problema nya’. Plastic ba tawag dun?
Ewan ko lang’ Nung una okay pa eh… kinakausap ko pa sya tinanung ko kung ano problema nya sakin kung my nagawa man ako sorry ayusin natin, then sabi nya wala naman daw! Sabi ko open naman ako makipag usap sabihin nya lang.

 Kahit alam kong my problema hindi ganun kalala hanggang sa umiwas sya.. Imagine apat na nga lang kami tapos ganun pa! hanggat maaari gusto ko maayos kasi ang bigat sa pakiramdam eh’ hindi healthy sa work. Umiiwas sya samin super obvious, kasi parang hirap sya pag nandyan kami. Hindi naman namin sya inaaway. Siguro feeling nya pinagtutulungan sya.. pero ang tanung bakit? Bakit namin sya pag tutulungan? Anu meron? Hindi ko magets bakit my ganun syang part’

So I decided na umiwas nalang din para hindi na sya mahirapan kakaiwas. Para hindi sya mastress. Feeling ko kasi dami nyang stress sa buhay! Pati sa office dinadala nya’ Well, wala naman ako pakelam dun pero syempre magkakasama kami sa work. Nagrereflect sa kinikilos nya.

I know marami na nagtataka sa mga katrabaho naming kung bakit lagi syang mag-isa, bakit hindi sya sumasabay samin? Yung ganun’ Inaantay ko lang may magtanung eh.. Sasabihin ko talaga. Ayaw nya samin eh’ Kahit na ayain naming sya wala. Sasabihin pa nya “I’m fine eating alone!” at ang ending. Kami ang nang-aaway sayo. Hahaha Wala naman ako pakelam sa iisipin nila eh. Ayoko lang talaga ng my kasamaan ng loob. Sakin kasi wala na un’ kasi kung kikimkimin ko yon’ naku wala naman ako mapapala.

Ewan ko ba’ iba kasi pinapakita nya sa ibang tao, iba din samin. Pag nandyan sila lahat’ Active sya’ masaya, mabait etc. Pero pagsamin team nya? The hell! Lumalabas pagkamaldita. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun sya, bakit ganun kalaki galit nya samin. Kung tungkol sa mga jokes ng kasama ko’ or dun sa dating issue or ewan. Nakakapagod intindihin kaya minsan gustu ko na patulan eh’ pero syempre hindi pa naman ako ganun ka puno! Ayoko din lalong lumala.

Pero sana bumalik na sya sa dati’ yung hindi ganyan. Parang ewan lang. Kasi nasa iisang lugar lang kami. Tapos magkumare pa. Alam mo yung tipong gusto mo sya kausapin pero wag nalang kasi babarahin ka nya at tatarayan.

Sana mabasa mo to’ kasi marami ka pang makikilalang tao, may mang-aasar, mapipikon ka, mga ganung scenario by then malalaman mo na panu ihandle sila. Kung pano sumabay sa agos. Hindi yung pag nasa ganung sitwasyon kana naman magreresign ka ulit. Kung puro hate ang nasa puso mo’ hindi ka magiging masaya, OO mapapakita mo masaya ka’ pero sa loob mo. Kulang pa din, walang peace. Hindi mo man kami maiwasan tulad ng gustu mo. Sana matuto ka kung pano makibagay o magpatawad. Hindi naman ganun kalala ung pag joke sayo o kung anu man yon.

Anyway, sinulat ko lang naman to kasi naiinis ako, naiinis ako kasi hindi pa din matapos tapos yung issue na to dahil ayaw mo pag usapan para maayos na. Ok lang kahit hindi mo kami na kausapin eh! Ang mahalaga, naayos na natin ang problema. Yung wala ng samaan ng loob. Lumipat man tayo sa ibang work. At least pag nagkasalubong tayo you can still say “hi, musta?”. Hahaha drama lang.

Enjoy and live your life to the fullest. Hindi naman kelangan maging perfectionist sa lahat ng bagay. Minsan mas maganda yung simple at natural. Kahit na ganito tayo ngayon, Happy pa din ako at nakilala kita, nakasama at nakakulitan nung panahon na starting palang tayo dito sa office. Nag start lang naman ang lahat nung nawalan na tayo ng team leader, kaya ng ka loko-loko na, but that's all in the past. We are here at the present hopefully we fixed it, so that in the future we can say that we are strong enough to face new challenges/problems of our life. Let it go... Let it go... LSS na ko hahaha..

Oh’ sya bahala ka na kung anu gusto mo gawin. Hindi na kami makikialam. Bahala ka kung gustu mo pa din makipag plastikan basta kami hindi kami nakikipag plastican. IIwasan ka nalang naming para hindi kana mahirapan. Nasasayo yan. Madali lang din ako kausap :) Basta kahit hindi tau magbati. Sana mawala na yung stress, hate sa puso mo. Para Happy. hehehe

Goodluck!

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...