Bonggang araw ng Lingo May 6, 2012

Sa sobrang daming nangyari nung Lingo May 6, 2012 naisipan ko isulat dito..


Bakit nga ba inaabangan ng karamihan ang Lingo May 6, 2012?

Una inaabangan ng ito ng kalalakihan dahil laban ni Mayweather vs Cotto sa larangan ng boxing. Marami ang ngpustahan habang nanunuod.. sabi nga nila pag my laban ng boxing nababawasa ang krimen.. kasi daw pati mga masasamang loob busy sa panunuod ng laban. Sana nga totoo' hehe

kung gustu nyo panuorin ang full replay eto link Mayweather vs Cotto in fairness may sarili talaga silang site. haha

At ayun' si Mayweather ang nanalo via unanimous decision.


Pangalawa, dahil daw sa TALENTADONG PINOY: BATTLE OF THE CHAMPION 2012 hehe..
Well, kahit naman ako inabangan ko yun.. bukod sa magagaling sila talaga namang mga talendado ang mga pinoy..

Syempre may kanya kanya tayong bet kung sino ang talaga namang magaling at pwedeng ipang bato sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) in Hollywood, California sa July 6 - 15, 2012. Para sakin sana, bibihira na ang tumatangkilik sa sarili nating kultura at tila nabubura na, at sa larangan na yan si Maybelin ang "Prinsesa ng Kundiman" ang dapat. Kung sa sayawan naman ang usapan' hindi matatago ang galing ng mga bata sa grupong "Dancing is Fun" ang ganda ng concept nila na lalong nagpalitaw ng galing nila. My laban din si Rhyzza kahit na lagi syang nilalait pinatunayan nya na talagang talentado sya.


Anyway, lahat sila magaling' at mga talentado' kung sila merong American Idol, tayo naman merong Talentadong Pinoy. Sa huli si Daniel Darwin, o kilala bilang " Astroboy" , ang naging Ultimate Talentado 2012.. Congrat's sayo!

eto link Talentadong Pinoy Battle of the Champions 2012

Nung araw na yon' nasa bahay lang ako, sa harap ng computer nagtatrabaho. Habang ang mga kasama ko busy sa panonood' at panay ang sigawan.. nakakaloka!

Pag-uwi ko galing simbahan.. may pahabol pa'

Raymart Santiago vs Ramon Tulfo at NAIA Airport

Well, ang isang to' iba naman.. hindi naman dapat nangyari kung hindi naging pabaya ang Cebu pacific, and take note' wala pang cctv cam na maipakita kung ano talaga nangyari.. buti nalang may nakakuha ng video.. Kayo nalang bahala tumingin kung sino sa kanila ang tama o mali..




Napaka dami talagang nangyari nung araw nayun'
Anyway, sana lang mas marami pa din ang nakaalala mag simba kaya ng mga nanuod sa laban ni Mayweather vs Cotto at nanuod din ng Talentadong Pinoy Battle of the Champions 2012.

:)

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...